Nagbilang nga talaga ako mula isa hanggang sampu. Subalit sa kabila nito'y hindi pa rin napawi ang galit at dismaya sa kapwa na, sa hindi napaparang dila ay masasabi kong, hindi karapatdapat sa kanyang kinalalagyan sa kagawarang ito.
Isang katampalasan ang pagtanggap ng sahod mula sa kaban ng bayan kung ang gawa mo'y tatalunin pa ng isang mag-aaral sa mataas na paaralan. At kung iisipin, ang labindalawang taong gulang na ako ay mas maayos pang makagagawa ng pangkaraniwang ginagawa ng Juanang ito. At ano itong kayang gawin ng isang mag-aaral sa mababang paaralan? Ito ay isulat nang wasto ang buong pangalan ng isang tao pati na ang bayan at lalawigan na kanyang pinagmulan. Kasabay nito ang paggamit ng puwang sa paggitan ng bawat pangalan at salita pati na rin ng kuwit sa pagitan ng mga puwang ng bayan at lalawigan.
Kaya gayon na lamang ang hiwaga sa akin kung bakit ang mga nabanggit ay hindi kayang gawin ng isang nakapagtapos sa colegio. Utang na loob. Ang kabaliwang ito ay ipaliwanag sa akin.
Ang isa pang ikinaiinis ko sa Juanang ito ay ang kawalan ng kasipigan ng kung tutuusin ay hindi naman pabigat. Ang mga natapos na papel sa kanyang nasasakupang oras, lalo na ang mga natapos ng nauna sa kanya, ay naiwan lamang kaya ako ngayon ang gagawa. Sa aking nabibilang ay mayroong tatlo. Tatlong papel na kay daling isulat!
Sabihin sa akin kung alin ang mas matimbang, ang kanyang ibinibintang (na hindi ko raw nagawa sapagkat hindi pa natatapos ang aking nasasakupang oras, at kung tutuusin ay mas inuuna ko ang bagay na mahirap) o mga bagay na rito ay aking isinulat. Ang katunayan niya'y hindi pa ako natatapos sa listahan na kanya'y maaaring iharap.

Sabihin sa akin kung karapatdapat bang humarap sa madla ang isang Juana na mula sa kanila ay tumatanggap ng kabayaran sa kanyang trabaho? Sabihin sa akin na walang batayan ang galit na ito. Sabihin sa akin na hindi katanggaptanggap ang galit na ito sa kabila ng mga paalala.
At ikaw Juana kung ito'y iyong nababasa, magpaliwanag at magsabi upang ipagtanggol ang sarili. Wala pang kaluluwa ang mula sa akin ay nakarinig ng dito ay nakasulat, ng mga bagay na dahil sa iyo'y nagdulot sa aking matinding sakit ng ulo. Sapagkat akin pa ring iniiwasan na sa iba ay mabanggit ang iyong kalapastanganan sa bayan.

No comments:
Post a Comment