Monday, 21 September 2015

Kinaumagahan

Maaga ako ngayon sa trabaho. Salamat sa Diyos. Subalit dala't pasan ko pa rin ang mga damdaming kumirot at nanuot sa aking puso't isipan ng nagdaang gabi. Hindi pa rin nawawala. Sa halip, bumabalik maya't maya dala ang banta ng pagtulo ng mga luha.

Dalawang bagay ang pinaghuhugutan ng damdaming pasan sa kasalukuyan. Ang huli ang pinakamabigat sapagkat mga alaala'y nagbalik simula ng kabataan hinggil sa mga pangyayaring kasintanda ng mga akda ni Laong Laan.

Mahirap at masakit subalit kailangang pasanin. Sa kabilang banda, ako ay nagagalak malaman na ang aking kaisipan ay hindi nauna sa akin. Ganoon din si Taga-Ilog. Kung ako man ay nabuhay o mabuhay nang kasabay niya, hindi nakapagtataka kung ako'y susunod sa kanya nang walang alinlangan.

Salamat sa aking nakasama at nakilala nang higit pa nitong nagdaang gabi. Pinakita at pinaramdam niya sa akin na ako ay hindi nag-iisa sa landas na nais marating. Hindi para sa sarili.

No comments:

Post a Comment