Salamat sa pag-aalala, kung concern ka man talaga, pero isa kang malaking istorbo. MALAKING ISTORBO!
Naglalakad ako mag-isa, hindi alintana ang pag-iisa at ang dilim, dahil ang dami kong iniisip. Namomroblema ako sa trabaho ko, sa sarili ko, sa pamilya ko, sa Middle East lalo na sa Israel kahit sa Iran, sa mga kaibigan lalo na 'yung nasa Saudi Arabia, tapos heto ka manggugulo sa pagmumuni-muni ko? Tapos tatanungin mo ako ng mga personal na bagay?
Hindi tayo magkakilala. Fine, tinanong mo pangalan ko, binigay ko palayaw ko. Hiningi mo number ko, binigay ko ang sa boss ko. Pati ba naman edad? Hindi ko kinahihiya ang edad ko, pero alam mo bang rude magtanong sa babae ng edad niya? Istorbo ka!
Ang sarap na sana ng paglalakad ko, iniisip ang mga concern ko at naghahanap ng solusyon tapos heto ka manggugulo? Idadahilan mo pa ang paglalakad ko nang mag-isa? Sinabi ko nang okay ako. Ayos lang ako. Hindi ako takot maglakad sa dilim. Ilang beses na akong naglakad sa dilim. Kailangan ko pa bang ibigay sa'yo ang bilang? Ang saya na sana ng pag-iisa ko kaso ginulo mo. Inubusan mo ako ng oras para sagutin ang mga tanong mo. #PrudeKasiAko
So uulitin ko. Isa kang malaking istorbo!
MALAKING ISTORBO!
No comments:
Post a Comment